Dear future boylet




love letters

Bukod sa pagiging abala ko bilang punong tagapamahala ng bahay ng hari at tagapag bayad ng bills ng kuryente ,tubig at internet, kinagigiliwan ko rin ngayon magbasa ng mga love letter sa tumblr, ito ay ang notes for my future boyfriend. Nakakaaliw lang mag muni muni sa harap ng monitor at magbasa ng mga liham ng iba’t ibang uri ng tao mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo ng kanilang mga nais iparating sa kanilang makakasama sa buhay pagdating ng panahon.

Sinubukan kong mag submit ng aking sarilng love letter dun para sa aking future boylet pero hindi naman naipost kahit minsan, sa dami siguro ng mga nag susubmit na mas may sense kesa sa sinasubmit ko. Syempre ipaprioritize nila ang mas romantic at tama ang grammar.

Dahil hindi nga naipost ni minsan ang aking love letter, dito ko na lang sya ibabahagi, at least wala akong kakumpitensya.