Monday, September 12, 2011

Maybe this time, chong

Maganda na sana Sunday ko kahapon, until I've found out that one of my "newly-found-old-friend" is leaving. Kahit na sabihin ni Beyonce na she found the good in goodbye, ayoko pa rin nito.

So this "newly-found-old-friend" of mine is my classmate way back in preschool. Yes, the old over there is too old. After preschool, which is more that 10 years already, hindi na kami nagkita kasi lumipat ako ng eskwelahan, pero naaalala ko pa sya or sila. Kami kasi yung mga mag kakaibigan sa school before, pati yung mga nanay namen close date at ewan ko ba kung magaling talaga photographic memory ko o baka hindi lang talaga nagbago itsura nila. Hindi ko makakalimutan yung pagkikita namin ulit nitong old friend ko last year lang (August 2010) sa terminal ng fx, naalala ko sya pero hindi ko sya malapitan kasi baka di na niya ako kilala, nag papagasolina sila nun kasama niya nanay niya, ako naman nakapila pasakay ng fx pabalik ng dorm. Tinawag ako ng nanay niya, at dun na nagsimula ulit ang lahat. good times.

Parang kulang pa yung isang taon para punan yung mga years na hindi kami magkakasama. Kahit na madalas kami lumabas with other old classmates, parang kulang pa rin, bitin. Tapos ngayon aalis na sya. Pupunta sila ng tatay at ate niya sa Italy. sabi nga sa kanta ng nickelback, it's hard to say it, time to say it, goodbye..

Kagabi nag message ako sa kanya thru facebook, tinanong ko kung totoo ba ang pinaguusapan ng mga bakla sa parlor at ng mga naglalaba sa ilog na aalis na nga daw sya at pupunta na ng Italy bla bla bla, tapos pag gising ko meron akong 3 missed calls at 1 message na nakita sa cellphone ko. Sya pala yun. Sinagot niya ng yes yung tanong ko sakanya pero may sinabi pa sya na out of context na. Sinabi niya sakin na mahal niya ako and wait for it.. more than friends. yung tipo ng pagkakasabi niya parang nag goodnight lang sya. parang ang dali sabihin sa knya ng mga ganung salita. Aminado ako na may panahon na dumadating sa punto na nagustuhan ko rin sya hindi lang bilang kaibigan. Mahina kasi talaga ako sa mga magigiliw na tao, at hindi naman maipagkakaila na cute talaga sya at hindi malaki ang katawan niya. hay weakness. Pero sa tuwing dumadating ako sa point na yun, dumadating din ang point na kinekwentuhan niya ako tungkol sa mga chicks niya o sa bago niyang girlfriend kaya nawalan na rin ako ng amor sa kanya at alam kong friends lang talaga ang kaya naming ioffer sa isa't isa. 

Nag reply ako sa message niya sakin pero thru facebook ulit dahil wala akong load. Sinabi ko sa kanya kung ano ang nasa puso ko ngayon, yun ay ang friendship. Sabi ko na hindi ko pwede ientertain ang kumakatok sa pintuan. Hindi ko sinabi sa kanya ang mga dahilan tulad ng "long-distance-relationship-if-ever". 6537.47 miles ang layo ng Italy sa Pilipinas, hindi na siguro kailangan ielaborate pa, isa pang dahilan ay may present girlfriend sya. duhh. At talagang may pagkababaero tong si gago. At ang isa huling dahilan kung bakit hanggang friends lang talaga ay dahil may iba akong hinihintay, dahil sa isang tao na dumating na pero hindi pa nakikita ang entrance.

Pero ganun pa man, mamimiss ko talaga sya. sana someday bumagay samin ang kanta na "maybe now they can be more than just friends.." pero ayoko umasa..

Friday, September 2, 2011

If we ever meet (again)

Dear future boylet,

O pwede na rin sigurong future husband, isa ka na ba sa kanila o hindi pa tayo nagkakakilala? Kung alinman dyan sa dalawa, hayaan mo naman na iintroduce ko sa iyo ang sarili ko. Hello, ako si Rocel, pero pwede mo rin akong tawaging Tek o kaya babe, honey, sweetipie o kung ano mang endearment ang gusto mo pag close na tayo, sa ngayon makuntento ka muna tawagin ako sa pangalan ko.

Hindi naman ako mapili, pero kung ikaw ay isang bachelor na may trabaho na sumusweldo na 50% higher than my sweldo (wala pa akong trabaho ngayon pero I'm referring to my sweldo in the near future.), mapungay ang mata, hindi malaki ang katawan, matangakad, at may magarang kotse, yung wallet kahit hindi na doble doble ayos lang, basta yung passbook mo mahalaga. Hindi ako hopeless romantic na tao, hindi magiging requirement sa relasyon natin ang mag celebrate ng monthsary o anniversary, pero dapat hindi mo makakalimutan ang valentine's day, ang birthday ko at ang pasko, dun ka na lang bumawi sa regalo mo.

Higit sa kahit ano pa man, madali lang akong mapakilig, ang kailangan mo lang ay ang sarili mo at ang maganda mong ugali at sure yun, malalaglag na ang panty puso ko.

Nagmamahal,
your future girlaloo

Speech

Bukod sa sumabit sa jeep, pangarap ko talaga tumungtong sa stage at mag salita sa harap ng maraming tao, pangarap ko maramdamam yung kaba na nararamdaman ng mga suma cum laude tuwing commencement exercise pag kailangan na nilang mag speech. Pangarap ko makitang nabobored yung mga tao sa haba ng speech ko, pangarap kong tuparin yang mga pangarap ko. Prospero Pichay!

Kahit minsan sa buhay ko hindi ko naranasan umakyat sa stage para magsalita in behalf of my batch o para mag inspire ng mga estudyante, hindi ko naranasan hangaan ng mga magulang ng iba at kainggitan dahil sa matataas na grades. Isa lang ako sa mga nakaupo tuwing graduation at tagapalakpak o tagapakinig sa mga valedictorian na nagbabahagi ng speech nila. Hindi ako sinanay ng sarili ko sa ganito, ni minsan hindi ako naging first honor at hindi ko naranasaan ang ipaghanda ng magulang dahil ako ang number 1 sa buong klase.
Nakapagtapos ako ng pag aaral kahit na konting ulan palang nung elementary e absent na ko. Nung college walang semester na hindi ako kinabahan, ang mga grades ko kase kung hindi bagsak, saktong pasado lang. Hindi rin natatapos ang isang sem na hindi ako nag memake up duty dahil sa mga araw na hindi ko pinapasukan. Ako rin nga ang huling nag pasa ng 5-5-5 cases ko na requirement sa PRC, tipong kinabukasan mag iinhouse review na kame, ngayon pa lang ako nag hahabol ng mga chief nurses. Ako yung tipo ng estudyante na sakto lang pero madalas nakukulangan.

Nung naghihitay ako ng result ng board exam namen, sabi ko, sa bawat sem na sumasabit ako, alam ko may dahilan kung bakit ako nakaabot ng ganitong kalayo, hindi ako hahayaan ni Lord na pumasa sa oral exam ko, sa bawat unit test, at finals na para lang sa wala. Hiniling ko lang rin na balewala sakin ang mataas na grade, basta makapasa lang, binargain ko na yun kay God pero hindi Sya kasing barat ng mga namimili sa divisoria dahil binigyan Niya talaga ako ng sobra sobra, kumbaga sabi Niya, tanggapin ko daw yung binigay Niya at keep the change na. Sa wakas tatlong letrang R na ang isusulat ko sa pangalan ko. Ang first name ko, ang last name ko at ang abbreviation ng Registered Nurse na RN sa dulo!

Sa totoo lang naiinspire ako sa sarili ko. mas naiinspire ako sa mga nag sasalita na noon ay walang kakwenta kwenta at patapon na sa buhay ang tingin ng iba, mas nakakahanap ako ng sense sa kanila, sa amin. Walang mapupulot na goodmoral at right conduct sa performance ko sa school, pero at least may napapatunayan ako sa bandang huli. Sana hindi kami tularan ng mga bata… patnubay ng magulang ang kailangan.

PS: oo, speech ko ito. To all my fellow RN’s, Mabuhay! hahahaha

Wednesday, August 31, 2011

dalaginding

Hindi naman paurong ang panahon kaya hindi ko maitatanggi na tumatanda na talaga ako, hindi ko na matawag na adolescent ang sarili ko, ayon nga kay Erik Erickson, nasa stage na ko kung saan nag lalaban ang intimacy at isolation, young adult na ko.

Pinalitan ko yung domain ko sa tumblr at dito sa blogger, mula sa katarantaduhan pinalitan ko ito ng mas katarantaduhan seryoso, ang pangalan ko. Ewan, feeling ko isa na kong karespe-respetong tao eh. O mas naging mahal ko lang yata ang sarili ko.

[off topic]
Lumipas na talaga ang panahon, akalain mong si Cedy na munting prinsipe noon ay isa ng prisesa DJ sa ibayong dagat ngayon. Oo, yung kapatid ni Ana sa AnaKarenNina yummy malaki na, at trending topic sya sa twitter kanina. hmmm.. Iiwan ko sa inyong mga isip ang imahe na ito.


Enjoy sa gabing sana ay hindi malagim :) Wag masyado tingnan si Cedy, baka malaglag pantalon niya, maging R18 pa tong blog ko. hahaha

Wednesday, August 17, 2011

Shampoo-day!

huminto muna tayo sa kababalaghan ng ka emohan.

Nag grocery ako kahapon, at dahil ayoko sa shampoo na nasa bahay namin, bumili ako ng bagong shampoo, tinry ko yung panteen na tatluhan kada pakete, yung de sachet lang. Daig ko pa ang nanalo sa super lotto sa super pagkaexcite ko gamitin yung bagong shampoo na glossy shine.. di na ko makapag hintay ng kinabukasan sinasabi ko sa inyo.. kaya naman nung kinagabihan, naligo na ko at tinry ko na ang bago kong "Panteen glossy shine" shampoo! Pagkagulong sa mga palad ko ng isang tipak ng shampoo, nag taka ko kung bakit tila hindi sya kasing sticky ng ibang mga ordinaryong shampoo kaya inubos ko yung laman ng isa sa mga tatluhan pakete. ganun pa rin.. para akong nag shashampoo ng tae dahil ayaw niya bumula. Chineck ko kung shampoo ba talaga ang nabili ko, ayon sa nasusulat sa sachet nito, "shampoo" naman talaga ang pagkakakakilanlan sa kanya, pero dahil pakiramdam ko ay niloloko ko ng produktong ito at pakiramdam ko talaga nagkamali sila ng lagay dahil imbis na shampoo, ang nailagay nila ay conditioner o lotion..

Pagkatapos kong maligo, agad agad akong nagbihis at nag ayos, daig ko pa ang nasa himagsikan sa sobrang galit na galit akong sumugod sa grocery sa kalagitnaan ng gabi.. isinungalngal ko sa lungs ng manager ang shampoo na hindi pinapadaan sa bibig o kahit sa ilong niya. At sinigawan ko sya ng sinigawan hanggang sa marealize niya na galit ako. Sinampal ko rin sya ng mag asawang sampal gamit ang mga botelya ng shampoo at conditioner na naka display hanggang sa umiyak sya at palitan ng 1 year supply ng totoong panteen glossy shine shampoo ang nabiling kong tae na mabango.

Pero buti na lang at hindi talaga yan ang ginawa ko dahil bukod sa gabi na at sarado na ang grocery na pinag bilhan ko, nakita ko na may nakasulat na free 30% more + may free conditioner pala yung tatluhang pakete ng shampoo na yon. Sa madaling salita, conditioner pala talaga ang nagamit ko.

Walang moral lesson sa kwento ko na 'to pero gusto ko lang sya ikawento dahil nakakatuwa ang katangahan ko. Minsan talaga cute maging tanga.