Wednesday, August 17, 2011

Shampoo-day!

huminto muna tayo sa kababalaghan ng ka emohan.

Nag grocery ako kahapon, at dahil ayoko sa shampoo na nasa bahay namin, bumili ako ng bagong shampoo, tinry ko yung panteen na tatluhan kada pakete, yung de sachet lang. Daig ko pa ang nanalo sa super lotto sa super pagkaexcite ko gamitin yung bagong shampoo na glossy shine.. di na ko makapag hintay ng kinabukasan sinasabi ko sa inyo.. kaya naman nung kinagabihan, naligo na ko at tinry ko na ang bago kong "Panteen glossy shine" shampoo! Pagkagulong sa mga palad ko ng isang tipak ng shampoo, nag taka ko kung bakit tila hindi sya kasing sticky ng ibang mga ordinaryong shampoo kaya inubos ko yung laman ng isa sa mga tatluhan pakete. ganun pa rin.. para akong nag shashampoo ng tae dahil ayaw niya bumula. Chineck ko kung shampoo ba talaga ang nabili ko, ayon sa nasusulat sa sachet nito, "shampoo" naman talaga ang pagkakakakilanlan sa kanya, pero dahil pakiramdam ko ay niloloko ko ng produktong ito at pakiramdam ko talaga nagkamali sila ng lagay dahil imbis na shampoo, ang nailagay nila ay conditioner o lotion..

Pagkatapos kong maligo, agad agad akong nagbihis at nag ayos, daig ko pa ang nasa himagsikan sa sobrang galit na galit akong sumugod sa grocery sa kalagitnaan ng gabi.. isinungalngal ko sa lungs ng manager ang shampoo na hindi pinapadaan sa bibig o kahit sa ilong niya. At sinigawan ko sya ng sinigawan hanggang sa marealize niya na galit ako. Sinampal ko rin sya ng mag asawang sampal gamit ang mga botelya ng shampoo at conditioner na naka display hanggang sa umiyak sya at palitan ng 1 year supply ng totoong panteen glossy shine shampoo ang nabiling kong tae na mabango.

Pero buti na lang at hindi talaga yan ang ginawa ko dahil bukod sa gabi na at sarado na ang grocery na pinag bilhan ko, nakita ko na may nakasulat na free 30% more + may free conditioner pala yung tatluhang pakete ng shampoo na yon. Sa madaling salita, conditioner pala talaga ang nagamit ko.

Walang moral lesson sa kwento ko na 'to pero gusto ko lang sya ikawento dahil nakakatuwa ang katangahan ko. Minsan talaga cute maging tanga.

No comments: