Tuesday, August 16, 2011

Relapse

Hindi ako makatulog last night, hindi rin naman ako makapag internet…  punyemas na wi fi connection! Nanood na lang ako ng TV sa kwarto ko pero naiirita ko sa palabas dahil dalawang channel lang meron sa tv ko kaya pinatay ko na lang. tahimik na sa paligid. Yung malamig na simoy ng hangin kagabi pumapasok sa kwarto ko mula sa bintana, natatanaw ko naman yung mga stars mula sa balkonahe. Perfect yung moment para makapag emo..

I was wrong when I thought I am way too different from the person I was a year ago. Yehesss English! Nasa realization phase ako ngayon. All this time kala ko iba na ko after kong mag send ng “gusto-ko-ng-maging-astronaut” text message. Feeling ko okay na lahat kasi lagi naman nandyan ang mga kaibigan ko, nandyan ang internet, naging busy ako sa pagiging graduating student, busy sa review for board exam, nakakita ng bagong love interest sa katauhan ng lalake sa post na ITO. Akala ko iba na ko, kala ko tapos na yung moving on phase, kala ko I’m over with all the emo moments, emo blogs, emo stats… Pero akala ko lang pala lahat yun. Narealize ko na totoo pala yung salitang relapse. Nag eexist pala yun sa buhay ko. Parang ngayon lang na process ng neurons ko na kahit ilang milyong beses ako magpagupit, kumanta ng masasayang kanta, manonood ng masasayang pelikula, dadaan at dadaan pa rin pala ako sa relapse. Parang kamatayan, di ko matakasan. Dumadating pa rin yung mga minuto kung saan kahit isang walang kwentang bagay ay mag papaalala ng nakaraan.

I am still the same person a year ago. I thought that’s already a “was” but that’s still “is”. Ako pa rin pala yung madaling mahulog at madaling umamin kapag na-caught off guard. Ako pa rin yung sinasabi sa ibang tao na sana makahanap na sya ng iba pero sa loob ko sana ako pa rin. Ako pa rin yung babae na umaasa at humahanap ng sagot sa mga kanta! Akala ko sa math lang ako mahina, pagdating rin pala sa pag ibig mahina ako, I’m a weakling. Sana matapos na yung relapse. Sana wala ng relapse saming dalawa. Please myself, tama na myself! Sana tulungan ako ng lalake sa post na ITO para kalimutan ang lalake sa post na ito.

No comments: