Ngayon pa lang, sasabihin ko na sa inyo na hindi ako inlove sa lalake na bida dito sa entry na ito..
..pero siya ang laging laman ng isip ko, sya ang dahilan kung bakit di ako makatulog sa gabi, naeexcite ako gumising ng maaga para tignan ang facebook niya, namimiss ko sya kapag hindi kami nakakapag usap, nagpapaload ako bigla kapag nagtetext siya, at iniimagine ko kaming dalawa na naghahabulan sa dalampasigan.
"Pag-ibig na kaya? Pareho ang nadarama, ito ba ang simula? 'di na mapipigilan pag-ibig na ito. Sana'y 'di matapos ang nadaramang ito.."
Pero hindi nga kase pagibig. I mean, hindi pa pag ibig, at hindi rin sigurado kung pareho ang nadarama, at walang makakapagsabi kung ito na ba ang simula. Basta alam ko magiliw sya sa akin, nararamdaman ko yun, pag dating sa kasabihan na actions speak louder than words, check na check sya. Kung may kabaligtaran ang mga taong puro salita pero kulang naman sa gawa, sya na yun! puro pahiwatig, kulang naman sa sabi!
Pero hindi nga kase pagibig. I mean, hindi pa pag ibig, at hindi rin sigurado kung pareho ang nadarama, at walang makakapagsabi kung ito na ba ang simula. Basta alam ko magiliw sya sa akin, nararamdaman ko yun, pag dating sa kasabihan na actions speak louder than words, check na check sya. Kung may kabaligtaran ang mga taong puro salita pero kulang naman sa gawa, sya na yun! puro pahiwatig, kulang naman sa sabi!
"Ang hiling ko lang sana'y malaman na ang puso ko'y sawa na sa biruan, bakit di na lang totohanin ang lahat?"
Madalas kame magbiruan, di ko alam kung naniniwala sya sa kaechosan na jokes are half meant pero kung dinadaan lang niya sa biro ang lahat ng nararamdaman niya, pwes, gustong gusto ko na talagang kantahin sa kanya yang kanta na yan ni Carol Banawa.. Nakakairita lang at masakit sa bangs ang puro biruan, puro padaplis lang, tapos pag medyo umsteady na, sumeseryoso, biglang tawa lang isasagot sayo. Habang tumatagal lalo akong nahuhulog, pero hindi ako in love. Baka masaktan lang..
"Maaari bang malaman ko? kung feel na feel mo ng sabihin sana ay sabihin na ito, request ng puso ko'y ikaw, kung tameme ka chong ako na ang manliligaw.."
Kung pwede ko lang gawin, malamang matagal ko ng ginawa. Kaso isa rin akong siksik sa katorpehan kaya di ko masabi ng derechahan kung gano kita kamahal kinagigiliwan. Namiss ko yung feeling na mainlove. Isang taon na rin kase mula ng maghiwalay kame ng huli kong pag ibig. Syempre hindi ko sigurado kung isang taon na nga ba talaga ang lumilipas. Pero yung pakiramdam ng in love, itong ito yun eh. parang first time ulit. Parang virgin pa yung puso ko sa pag ibig kung maka tibok pag kausap sya eh.
"Nahihilo, nalilito.. asan ba 'ko sa'yo? asan ba 'ko sa'yo?"
Siguro maghihintay pa ko ng sapat na oras, kung hindi pa man sapat ang isang taon na pinakikilig mo ako, pinapangiti sa harap ng laptop, pinapatulala sa langit, kung hindi pa sapat yung isang taon na pagiging mag kaibigan natin sa facebook at pagiging mag kakilala, maghihintay pa ko ng panahon, balang araw masasabi ko rin sayo na tanga ka, puro ka lang like sa status ko, hindi mo alam, lahat yun tungkol sayo.. pero syempre naiimagine ko rin na sasabihin mo na tanga rin ako, dahil akala ko lang hindi mo napapansin, pero napapansin mo, napapansin mo, napapansin mo. Bigla tuloy akong kinilig. Sana mabasa mo 'to, at sana wag ka na mag isip ng iba pang lalake na tinutukoy ko dito, kase ikaw to. obvious na obvious. Sana pag nabasa mo 'to imessage mo ko. kahit sabihin mo lang na ang landi ko :"> Me already.
No comments:
Post a Comment