Bukod sa sumabit sa jeep, pangarap ko talaga tumungtong sa stage at mag salita sa harap ng maraming tao, pangarap ko maramdamam yung kaba na nararamdaman ng mga suma cum laude tuwing commencement exercise pag kailangan na nilang mag speech. Pangarap ko makitang nabobored yung mga tao sa haba ng speech ko, pangarap kong tuparin yang mga pangarap ko. Prospero Pichay!
Kahit minsan sa buhay ko hindi ko naranasan umakyat sa stage para magsalita in behalf of my batch o para mag inspire ng mga estudyante, hindi ko naranasan hangaan ng mga magulang ng iba at kainggitan dahil sa matataas na grades. Isa lang ako sa mga nakaupo tuwing graduation at tagapalakpak o tagapakinig sa mga valedictorian na nagbabahagi ng speech nila. Hindi ako sinanay ng sarili ko sa ganito, ni minsan hindi ako naging first honor at hindi ko naranasaan ang ipaghanda ng magulang dahil ako ang number 1 sa buong klase.
Nakapagtapos ako ng pag aaral kahit na konting ulan palang nung elementary e absent na ko. Nung college walang semester na hindi ako kinabahan, ang mga grades ko kase kung hindi bagsak, saktong pasado lang. Hindi rin natatapos ang isang sem na hindi ako nag memake up duty dahil sa mga araw na hindi ko pinapasukan. Ako rin nga ang huling nag pasa ng 5-5-5 cases ko na requirement sa PRC, tipong kinabukasan mag iinhouse review na kame, ngayon pa lang ako nag hahabol ng mga chief nurses. Ako yung tipo ng estudyante na sakto lang pero madalas nakukulangan.
Nung naghihitay ako ng result ng board exam namen, sabi ko, sa bawat sem na sumasabit ako, alam ko may dahilan kung bakit ako nakaabot ng ganitong kalayo, hindi ako hahayaan ni Lord na pumasa sa oral exam ko, sa bawat unit test, at finals na para lang sa wala. Hiniling ko lang rin na balewala sakin ang mataas na grade, basta makapasa lang, binargain ko na yun kay God pero hindi Sya kasing barat ng mga namimili sa divisoria dahil binigyan Niya talaga ako ng sobra sobra, kumbaga sabi Niya, tanggapin ko daw yung binigay Niya at keep the change na. Sa wakas tatlong letrang R na ang isusulat ko sa pangalan ko. Ang first name ko, ang last name ko at ang abbreviation ng Registered Nurse na RN sa dulo!
Sa totoo lang naiinspire ako sa sarili ko. mas naiinspire ako sa mga nag sasalita na noon ay walang kakwenta kwenta at patapon na sa buhay ang tingin ng iba, mas nakakahanap ako ng sense sa kanila, sa amin. Walang mapupulot na goodmoral at right conduct sa performance ko sa school, pero at least may napapatunayan ako sa bandang huli. Sana hindi kami tularan ng mga bata… patnubay ng magulang ang kailangan.
PS: oo, speech ko ito. To all my fellow RN’s, Mabuhay! hahahaha
No comments:
Post a Comment