Friday, December 19, 2008

ang arte

"Kung gusto mo ang ginagawa mo, kahit kailan hindi ka mapapagod at magsasawang gawin 'to araw araw, paulit ulit."

Nung nag guided practice kame sa bed making, akala ko nahanap ko na ang kasagutan sa tanong ko sa aking sarili na "baket ba ko nag nursing?", ang gusto ko kasi talaga yung kurso na may kinalaman sa arts..pero nung nag guided practice nga kami at tinanong kung ano ang rationale sa pag ma-miter fold ng bed sheet, ang sinagot ng c.i namen ay isang napaka makabagbag damdaming "BECAUSE NURSING IS AN ART".

okey payn! yun ang pinaka nakakaiyak na rationale na narinig at natutunan ko sa buong buhay ko... so far.

Nagising na lang ako isang tanghali--habang nakatulog ako sa pampasaherong jeep pauwi-- na ayoko talaga mag nursing! Hindi ang pag aalaga ng may sakit, kumuha ng mali-maling blood pressure, mag offer ng bed pan, mag adjust ng iv, mag injection, mag bed making, mag bed bath at mag perineal care, in short manatili sa hospital sa napakahabang oras, ang gusto kong gawin at pag kaabalahan bilang propesyon.

Nakikita ko naman ang sarili ko na gumagawa ng mga ganung gawain bilang isang nurse sa hospital, pero nakikita ko rin sa likod ng napaka masayahin kong mukha ang hirap at hindi pag eenjoy sa propesyon na napili kong pag aralan at bunuin sa loob ng apat na taon.

Ayoko mapagod sa trabaho na hindi ko naman gusto, kung mag papakapagod man ako at kung ibubuos ko man ang buong lakas, pawis at dugo ko, syempre doon na sa trabaho na ginusto at gusto ko talaga. Yung pinili ko. Yung wala akong sisisihin na ibang nilalang kundi ang sarili ko kung bakit ako napapagod ngayon.

Hindi ang science at ang health ang passion ko. Oo, inaamin ko, nagugustuhan ko ang kursong nursing paminsan-minsan pero iba pa rin kapag nagugustuhan mo lagi lagi, araw araw, minu-minuto, at habang buhay..

Hindi na ko mukhang student nurse kundi mukha na kong staff nurse dahil ang tanda na ng tingin ko sa sarili ko sa tuwing haharapin ko ang salamin na alam kong hindi magagawang mag sinungaling. Hindi na ko mukhang 15 years old na syang totoo kong edad.

Hindi ako marunong mag balanse ng oras, yan ang pinaka masakit na bagay na aaminin ko sa inyo bukod sa katotohanan na first time ko makapunta ng divisoria at 168 kanina (dec.17). Ang nursing, sa persepsyon ko dito, ay isang kursong nangangailangan ng tamang pag babalanse ng oras sa pag aaral, social life at lab layp--isang imporatante at mabigat na bagay na uultin ko nanamang aminin,wala ako.

Suko na ko sa pag pupuyat sa gabi para gumawa ng bagay na ayoko pero kailangan.

Suko na ko sa pag mememorize ng mga bagay na minsan hindi ko naman maintindihan.

Suko na ko sa pag susuot ng tatlong masisikip na puting uniform, gusto ko yung 3 maluluwag lang pero hindi pwede kasi 6 na araw ang pasok.

Suko na ko sa patuloy na pakikinig sa mga bagay na tinuturo ng mga prof ko na nag papamaga lang ng maliit kong utak.

sawa na ko sa mga bagay na ginagawa sa institusyon na kung tawagin nila ay University of the East Ramon Magsaysay Memorial Medical Center

Pero hindi ako susuko. haha! ang labo.

Pag mayaman na ko, mag aaral ulit ako, hindi para mag masteral kundi para kumuha ng kurso na kahit ano basta tungkol sa art. wag lang nila sasabihin na Art is a science. Kundi pakamatay na lang tayong lahat.

Wala akong sinasabi na hindi masaya ang nursing (ayan sinabi ko na pala) ang sinasabi ko lang dito ay ang nararamdaman ko. Yun lang. Kaya kayo, kung ito talaga ang gusto niyo, masaya ko para sa inyo. Sana sabay sabay natin to mapag tagumpayan. pasabay ako ah! kahit sabit lang.

2 comments:

Anonymous said...

naalala ko
marami na rin akong mga entries
na di nasave
hahahaha

kumalma ka lang
matututunan mo rin mahalin
ang kursong nursing
:)

tek said...

salamat :) isang malaking karangalan para sakin at nakakataba ng puso na ikaw ang kauna unahang nag comment. its my fleshur! thanks xG!