i missed you intarwebs at ang lahat ng gumagamit sa iyo.
Wala pa mang isang linggo ang nakakalipas mula nang ako'y mangibang bayan ay umuwi agad ako nung huwebes, ang balak ko kasi ay hindi umuwi ng sabado [ngayon] sa kadahilanang may lakbay aral kami sa linggo..ngunit ang bawat plano'y nababago ng isa pang biglaang plano, at ang huling plano na tinutukoy ko ay hindi naging maganda....so far :(
Huwebes, umuwi ako para kumuha ng damit, apat na araw pa lamang ang lumilipas ay marami ng nagbago, at ang pinaka highlight ng pagbabagong sinasabi ko ay ang pagiging maayos ng kwarto ko. HUWAW!!!! tulo ang laway at bagsak ang panga, tumayo ang buhok ko at lumaki ang SINGKIT kong MATA! hindi halatang namangha ako pagkapasok ko sa aking mundo, napanganga ako sa ayos ng drawer, ng mga stuff toys, sa position ng lamp shade, ng study table, sa bagong kurtina at sa pagkawala ng aking kama. Naka detach yung kama ko dahil masama daw ang may kama na wala naman natutulog sabi ng nanay ko. Kung kaninong Feng Shui expert nya yun nalaman? hindi ko alam. Napansin ko na ang matagal ko ng hinahanap na gamit ay natagpuan na pala.
Ang isang bagay na pumukaw talaga sa aking atensyon ay ang pagkakaroon ko ng maraming larawan at imahe ng sarili ko sa aking kwarto. Ang daming picture frame. Lahat yata ng tinatagong kwadro ng nanay ko na nakukuha ko sa kris kringle ay nagamit niya para sa mga litrato ko. Nag mistulang museum ko ang aking silid. okay na sana, kaya lang pati ba naman yung picture ko nung 10 years old ako e kailangan pang idisplay? makatarungan ba naman yun? para sa kaalaman niyo, mukha akong ebak na nahulugan ng bangs at nasagasaan ng pison dun sa picture na sinasabi ko, naka todo project at pose pa ko nun at ginagaya ko ang ngiti ni ciara sotto. TAE. Pero okay lang. Sobrang namimiss lang siguro ako ng nanay ko nung araw na yun, naiintindihan ko.
Sabado. Ngayon yun. Umuwi ako. Tulad ng isang presong hayok makalaya, sinuway ko ang sinabi ko na hindi ako uuwi ngayong sabado. Ewan ko kung anong pumasok sa kukote ko at naisipan kong umuwi at magpakahirap gumising ng maaga para bukas. Siguro, alam ng puso. Excite na excite ako umuwi at ipakita sa aking ina ang bago kong paborito na jacket na binili ko sa greenhills, kaso lang, wala sya, nag punta sya ng caloocan kaya naman agad kong tinext ang tita ko. At after 1 decade, tumawag sya.
Trivia: alam mo bang umiiyak ako habang kausap ko ang aking ina? [nakakatawa no? muka akong gago]
Ewan ko ba, pero sa tuwing inuutusan o pinag bibilinan ako ng aking inay na mag prito ng itlog o hotdog para may makain ako kapag wala sya sa bahay ay automatic na tumutulo ang luha ko mula sa aking mata kasabay ng pag tulo ng sipon galing sa aking ilong. I'm such a loser. Pero dahil labs na labs ako ng aking madur, uuwi na daw sya at nag bilin ako ng bilhan niya ko ng pagkaen. hahaha.
another trivia: alam mo bang umiyak ako nung unang gabi ko sa apartment? secret lang yun ah..
No comments:
Post a Comment