Sunday, February 22, 2009

Antibiotic

Dear Ex,

Ang dahilan ng lahat ng kalokohang ito ay para sabihin lang sayo na BITTER ka pa rin. Pero para cool, papahabain ko pa ang kabalbalang ito.

Sabi mo noon sakin nang huli tayong mag usap-ng hindi personal at hindi ko na rin matandaan kung paano at kailan-na tayo'y magiging isang mabuting magkaibigan, ngunit nang makita kita ng ilang beses, at muli, hindi na mahukay ng memorya ko kung kailan at saan ang ilang beses na pagkikita na iyon, ay hindi mo ko pinansin. Para akong isang hangin na nagdaan lang ngunit hindi mo man lang naramdaman. Inisnab mo ang kagandahan ko na minsan mong hinanap-hanap. At hindi ka pa nakuntento, naalala ko lang, nung minsan mag-krus ang ating landas sa loob ng isang kompyuter shop, hindi ko mawari kung sino sa mga power rangers ang bumulong sayo at sinabing mag kulay violet ka na jacket ng tulad ng suot ko ng gabing iyon, bakit tayo pareho? hindi mo naman paborito ang kulay na yun diba? at nasaktan ako nung nag mura ka. Kunwari ka pa na minura mo yung mga kalaban mo sa Dota, pero alam ko na sa loob loob mo, ako ang sinasabihan mo. P**** I** ko, bakit ako nakikielam?

Isa pang strike mo ay nung bisperas ng araw ng mga puso, binati kita ng advance at binati mo rin ako, may tinanong ako sayo pero ang sinabi mo ay itanong ko kay daredevil, at sinabi mo pang wag na kita itext dahil gagawa ka na ng assignment mo. Ang sungit mo. Pwede ko bang malaman kung ano ang depenisyon sayo ng salitang kaibigan? Nararamdaman ko, bitter ka pa rin. sabi mo noon, ayos na ang lahat, sabi mo lang pala. Nagagalit ka pag sinasagot ko ang mga tanong mo na may kasamang pangalan ni daredevil sa dulo. Bakit parang halos lahat ng babae gusto mong makilala? Kung habang buhay kang magiging bitter at makukulong sa nakalipas, walang mangyayare sa buhay mo at paulit-ulit ka lang masasaktan sa tuwing maaalala mo ko. Wag mo subukan maghanap ng mga bagay na makakapagpakalimot lang ng alaala natin, dapat determinado ka na humanap ng babaeng mas magpapaligaya pa sayo. Matagal na panahon na, wala ng 3-month break rule na dapat sundi dahil isang taon na ang nakalipas. Wala ng rason para maging bitter pa.

Pero kung ang pagiging mapakla ang paraan mo upang tuluyan ka ng makapag hilom, hindi na kita papakialamanan at pipigilan. Kung alam mong dyan ka masaya at sa ganyang proseso ka makakahanap ng iba, magiging masaya ko para sayo

See you, when i see you.

-ex


No comments: