Sa wakas. May bago na ako na matatawag kong pangmatagalan.
Lagalag akong tao, pero tamad akong maglakad. ilang kilometro pa lang, lalo na kung nagiisa, pagod na ko. Kaya kahit anong pilit kong ipasok sa isip ko na nakasira ako ng tatlong sapatos sa loob ng isang sem ay hindi talaga ubra. Sinusuka talaga ng mga kalyo ko sa paa ang katotohanan na yan. Pero wala tayong magagawa kundi tanggapin na lang.
5 and a half lang ang sukat ng payat kong paa--pinakamalaki sa children's section at walang size na ganun sa pang matanda. Walang rason na makakamot para gawing dahilan ang sukat ng paa ko sa pagkasira ng mga sapatos. At sinabi ko nga kanina, tamad akong maglakad, tipong uerm hanggang vmapa station ay jini-jeep ko pa. May gusto bang mag volunteer para iekspleyn sakin ang madaliang pagkawasak ng mga nag sisilbing pananggalang ko sa dumi ng lansangan ng Maynila?
Nobyembre ang buwan ng pagkakaroon ko ng bagong sapatos para sa sem na ito sa kadahilanang tuluyan ng nagutom sa katotohanan ang sapatos na binili ko kalahati ng unang sem ng second year na nagkakahalaga ng 1200. Akala ko pangmatagalan sya dahil sa may kamahalan, pero bigo ako, dahil sa kasagsagan ng pagtatapos ng sem at nadaig nya ang aso na tumakbo mula santolan hanggang recto sa sobrang buka niya. Balik sa sapatos ko, hindi rin siya nag tagal, tulad ng iba, pinabayaan niya rin akong mag lakad ng naghihikahos. Isang mabuting kaklase ko kasi ang nagpayo sakin nang minsang mag community kami na tanggalin ko na ang goma sa takong ng sapatos ko dahil ubos na rin naman DAW, ako namang masunuring bata ay sumunod sa utos niya ng hindi pinapagana ang isip at napaka slow dahil hindi napagtanto na isa lamang itong joke. At dun ko tinapos ang buhay ng sapatos na yun.
makalipas ang ilang linggong paghihirap at pagtitiis na parang naglalakad sa alambre, binili ako ng nanay ko ng panibagong sapatos, mumurahin lang, 600, at sa pagkakataong ito, wala na syang takong. Ngunit linggid sa kaalaman ko at nang nakararami, iiwan din pala niya ko sa kalsada ng nakanganga. Wasak. Wasak na wasak. Wala pang isang linggo yun.
At kamakailan lang, binili ulit ako ng aking mahal na mahal na ina, sa pagkakataong ito, alam kong pangmatagalan kaming mag sasama, yung tipong, ako na mismo ang pipilit sumira sa kanya dahil gusto ko na ng bagong sapatos. May kamahalan nga lang, at may allowance dahil baka may pagasa pang lumaki ang paa ko. size six na kasi ang huling size sa matatanda. At para sa kaalaman mo, pang matanda ang binili ko, hindi pang kids. hmp!
No comments:
Post a Comment