ilang beses ba kailangan may comeback entry? parang napakaraming beses ko na tong ginagawa simula nang mamulat ako sa mundo ng blogosperyo. Ewan ko.
matapos ang napaka habang panahon ng pag hihintay ko sa pagkakataon na sipagin ako para ipagawa ang laptop ko, sa wakas, nangyari na rin. konting pa cute lang sa nag gagawa at hindi na niya ko pinagbayad. Gusto kong kiligin, pero hindi ko magawang i-shake ang mga balikat ko para ipahiwatig na kakiligan yun dahil bigla kong naalala na may warranty pa pala to kaya hindi niya na ko pag babayarin. hmp!
Masaya ako dahil magkakaron na ng office ang laptop ko at nakita ko na rin ang nawawalang flash drive na kaytagal kong hinanap kahit alam ko naman talaga kung nasaan.
Nakakatuwa. may nag text sakin nung nakaraan, ang sabi niya "joan, nasaan ka? punta ka na dito." nireplyan ko naman ng "wait lang, san ba yan?" at ang sinagot ba nman ay "dito sa bahay, magpapahilot sayo."
ang gulo. ang weird.
No comments:
Post a Comment