Monday, November 2, 2009

for my last "teen" year

ilang linggo na lang ang nalalabi at tutungtong na ko sa huling stage ng pagiging teen ager. Kung pwede nga lang sana talagang gawing twen"teen" ang pagiging bente anyos ay marami na sigurong gumawa. Anyway floodway, gusto kong maging espeshal ang araw kung saan iluluklok ako sa trono bilang isang 19 year old minor, kaya lang, katulad ng problemang pandaigdigan na mahirap bigyan ng kalutasan, wala akong pera.

Gusto ko pumunta sa dulo ng bahaghari kasama si Dora, Boots, swiper the fox, fiesta trio, backpack, map, isa iguana, tico the squirrel at benny the bull. Ninanais ko rin sisirin ang perlas ng silangan habang hawak ko ang kamay ni spongebob, patrick, gary, mr. krabs, squidward, sandy at plankton. Iniisip ko kung pwede kaya ang wonder pets na sina Linny, Tuck at ming ming na mag mountain hiking. Pero baka busy silang lahat.

Seryoso, sa hindi maipaliwanag ng sensya na dahilan, gusto ko pumunta sa SM City Bacoor Cavite sa November 21, kaso hindi ako marunong mag punta dun at ang bali-balita pa e mahal daw ang pamasahe. Sunod na naisip ko, gusto ko rin pala na pumunta sa eastwood central plaza sa November 6 kaso walang magdadala sakin sa destinasyon na yon, ayoko magisa. emo. Gusto ko makasama si toot toot kaso ang mahal niya. kaya erase erase na sya. Gusto ko mag pa house party kaso walang magluluto at mag aayos ng bahay pagtapos. Umaasa na lang ako na sana matuloy ang paghahandog sakin ng isang papa miggy ng aking madur. Pero lubos na kasiyahan pa rin ang mararamdaman ko kung makakasabit na ko sa jeep bago ako maging 19 :(

No comments: