Isang araw, sinipag ako at naisipan kong linisin ang aking kabinet sa dorm. Tinignan ko lahat ng mga papeles na pwede pang magamit at pwede na ipang punas ng pwet.
Ligpit. Ligpit. Ligpit.
Habang abala ang aking mga kamay sa pag de-dispose at pag aayos ng mga kapapelan, nagningning sa aking paningin ang luma kong tickler na kulay green. binuklat ko ito at natagpuan ko ang dalawampu't isang bagay na nais kong magawa sa buong lifespan ko. Sinulat ko sya noong buwan ng disyembre taong dalawang libo't walo.. isang taon at 3 buwan na siguro ang lumipas, feeling ko nung sinusulat ko yun, kalokohan lang yung mga yun at napakahirap i-accomplish.. pero nagulat ako dahil ang 5 out of 21 na mga bagay na nakatala dito ay na accomplish ko na pala. Masaya. Malapit ko na makamtan ang aking nirvana.. malapit na kong pwede mamatay..
ito yung 5 na naaccomplish ko:
2. to have an emo style hair cut.
6. to watch a concert of any of these bands:
- linkin park
- parokya ni edgar
- paramore (check)
- chicosci
15. to dye my hair
16. to make a tshirt with my own design
18. to make a music video and to learn how to edit.
secret muna yung 16 na bagay na pwede pang madagdagan :D :D :D
No comments:
Post a Comment