Sunday, December 28, 2008

[edit] mainit [/edit] M-A-L-A-M-I-G

[pasensya na kung medyo magulo 'tong blog na 'to.. bobo ko ngayon eh..]
Hindi pala totoo na kapag mainit lang ang panahon dudugo ang ilong mo, minsan, kailangan din niyang dumugo sa malamig na panahon, tulad ng panahon ng kapanganakan ng ating tagapag ligtas.

Hindi ko naramdaman ang lamig ng kapaskuhan [Literal ang sinasabi kong lamig at init dito mga malisyoso/malisyosa]. Ewan ko. Dahil kaya ito sa patuloy na pag iinit ng kamunduhan o mas gustong sabihin ni Richard Guttierez na "Global warming"? Lumipas na pala ang pasko. Tulad ng malamig na hangin na sumimoy nitong mga nakaraang araw, parang natangay lang at dumaan lang ang pasko ngayong taon na 'to para sakin. Ewan ko ulit. Kung hindi pa sasabihin ng mga tao ang mga katagang "merry christmas!", hindi ko siguro maiisip na pasko. Aba! pasko na pala!

Bisperas pa lang, alam kong hindi magiging kasing ganda ng nakaraang kapaskuhan ang pasko ko ngayong taon dahil sa mga ilang dahilan. Una, maghapong wala ang nanay ko sa bahay, nag punta sya sa bahay ng ate ko para bantayan yung anak nito at pag uwi niya, nag deklara ng civil war ang aking amang hindi makabasag pinggan. Ang dahilan? hindi sya nakapag meryenda, wala daw tinapay. Hanggang ngayon hindi ko pa rin makuha ang dahilan ng pagkainit ng ulo ng tatay ko, di ko alam kung slow ako o ano eh. Hindi naman kasi sya yung tipo ng tao na nag memeryenda at kung gusto man niya mag meryenda, may pera naman sya pambili ng tinapay kaya ewan ko kung saang lumalop ng lolo tinong niya nakuha ang rason para mag harumentado. Pangalawa, kaarawan ng lola ko, walang selebrasyon, malungkot na ko ng lagay na to. Pangatlo, wala kaming christmas lights at christmas tree. Hindi ba't napaka lungkot ng bahay na wala man lang simbolo ng kapaskuhan tulad ng mga sinabi kong halimbawa? o baka ako lang ang nakakaramdam ng lungkot? Pang apat, ang mga taong inaasahan kong babati sa akin ng maligayang pasko ay hindi nakabati. ewan ko nanaman. Hindi ko rin sila masisisisi kung wala silang load, ang mahalaga naman, binati ako nung isa na isa rin namang importante at ilang mahal kong kaibigan.

Inhale. Exhale.

Masaya na pala ako. Naisip ko lang, maswerte na pala ako dahil may kinakain kami nung mga araw na yun samantalang ang iba nating kababayan ay kailangan pang mag banat ng buto para lang mairaos ang gutom at kung malasin pa ay kailangan na lang nila itulog ito para hindi na nila maramdaman.

kung isa yung off topic? isa nanamang ewan ko.

Araw ng kapaskuhan. Ayoko mag expect! at ayoko ang kasabihang "it's the thought that counts!" nang araw na ito. Marami akong ninong at ninang, pero dahil hindi na ko bata, hindi na ko namamasko ng bahay bahay, yung mga ninang ko na lang ang nag pupunta sa bahay at inaabot ang pamasko. Ganun pa rin ngayon. Dalawang ninang ko lang ang nag bigay ng regalo sakin--Yung kapitbahay namin at yung Tita ko. Pera ang binigay ng kapitbahay/ninang ko. Ang tita ko naman, nag bigay ng pabango [nanaman]. Hindi ako sanay ng binibigyan ng nakabalot ng tita ninang ko kaya hanggang 11.59 pm ng december 25, nag expect ako na may ibibigay syang sobre. Kaso, bigo ako. Inisip ko na lang na IT'S THE THOUGHT THAT COUNTS! salamat at naalala niya ko. Tunay nga namang napakahirap ng buhay ngayon. Matanong ko lang, ganon na ba ako kabaho para regaluhan niya ULIT ako ng pabango? [nung birthday ko, nov.22, pabango din ang bigay niya] o baka naman hindi nga ako mabaho pero ganun na ba ako mukhang kabaho???

Inhale. Exhale.

Masaya na pala ako! naisip ko lang na maswerte pala ako dahil may ninangs at ninongs ako. May kilala kasi ako na walang ninongs at ninangs. Wala lang. Kawawa ka naman kung sino ka. JOKE!

Wala na kong wind burn sa aking mga labi at nag eelectricfan na ulit ako tuwing gabi. Nangangahulugan lang na tapos na ang gabing malalamig. Tapos na ba ang kapaskuhan? Kung ako ang tatanungin? aba syempre hindi pa. Ang pasko ay dapat manatili sa ating mga puso dahil ito ang araw ng kapanganakan ng ating Tagapagligtas, kung hindi siya isinilang, kung walang pasko, malamang ay wala tayo. Kaya dapat ay magpasalamat tayo dahil minsan sa isang taon ay may kapaskuhan kung saan isang araw nakakalimutan ng mga tao ang kanilang problema, nagkikita ang mga mag kakamag anak at iba pang mahal sa buhay na malayo, at nag kakabati ang mga mag kakaaway. Kaya kahit gaano kahirap ang buhay, sandali muna nating iwaglit sa ating isipan yan dahil minsan ay may isinilang :D happy holidays!

No comments: