Tuesday, December 30, 2008

CRITICISM*equals* :D

"i just waste my time reading your crap blogs dear,I swear!"

Sabi ko sa isa kong blog sa multiply, tumatanggap ako ng mga pagtatama sa mga mali ko at kritisismo lalo na kung alam kong makakapulot ako ng ginintuang aral mula dito. Uulitin ko ulit at naka all caps pa,MAKAKAPULOT AKO NG GININTUANG ARAL MULA DITO. Hindi ako mag sasawang paulit ulitin yang mga katagang yan, mapagod man kayo kakabasa.

Tapos ka nang mag paliwanag at mag bitaw ng mga pang huhusga mo tungkol sa paraan ko ng pag ba-blog at mga nilalaman nito, pati mga typographical errors, katangahan sa spelling at kung kung ano ano pang kabalbalan, kaya hayaan mo naman ako ngayon na gamitin at sulitin ang aking human rights at freedom of speech para sabihin ang saloobin ko. Ready ka na ba?

Hindi ako namimilit ng tao o ng kung sino mang nilalang na basahin ang mga nilalathala ko dito sa blogsite ko at sa multiply, kung may mapadaan at nagkainteres basahin ang blog na ginawa ko, masaya 'ko dahil nakapaglaan sila ng ilang minuto ng buhay nila para magbasa at alam kong hindi nila aaksayahin ang oras nila kung alam nilang wala itong kwenta. Pwede naman mag back out at hindi tapusin ang blog kung alam mong hindi ito maganda sa una pa lang, hindi naman nakakamatay. Hindi ko kailangan ng comment, pero nasabi ko rin sa isa kong blog na ang mga simpleng komento ang nag papaligaya sakin. Hindi pala dapat ganun, natutunan ko na mas nakakataba ng puso ang mga taong nagbabasa ng blog kahit hindi nag iiwan ng comment kesa sa nag cocomment pero hindi naman talaga binasa, pero pano ka nga ba makakapag iwan ng komento kung hindi mo babasahin diba?

Bakit mo pipilitin ang sarili mo na basahin ang isang bagay na aaksaya lang pala sa oras mo? at ang nakakatuwang isipin, hindi mo lang ito ginawa ng isang beses, kundi naulit pa. Ito ba ay sa kadahilanang nagustuhan mo ang iba kong lathala? ikaw na lang makakapagsabi niyan, kung itatanggi mo, nasa sayo yan, sarili mo ang niloloko mo. I swear!

"Wala akong nabasa that i can say na original na concept mo or your original style of blogging, all i can say is that you are so trying hard. Frustrated blogger!!"

Mabibilang lang sa daliri ang mga pinoy blogs na binabasa ko tulad ng blogniinday, greenpinoy , kokey monster at chiksilog, gusto ko rin ang paraan ng pag sususlat ni BO, at nagsisinungaling ako kung sasabihin ko na hindi ako kumukuha ng ideya mula sa mga lathala nila. Bilang isang mambabasa, malaki ang impluwensya sa akin ng mga nabanggit ko at mahirap itanggi na kahit hibla, hindi ko sila ginaya [kung ang ibig sabihin ng pang gagaya ay ang pag kuha ng ideya-hindi ng konsepto].

Matatanggap ko ang mga paratang na ako'y isang frustrated blogger. Totoo yan! pero ang mga naunang paratang tulad na lamang ng pagiging trying hard ko? nakakasakit ka naman ng damdamin. Alam ko sa sarili ko kung ano nararamdaman ko kapag nag ba-blog ako. Natural na natural ang mga salitang binibitiwan ko sa bawat pag tipa ko sa keyboard, kampante ako, hindi ko pinagtatrabaho ng lubos ang aking maliit na utak tuwing gumagawa ako ng lathalang tulad nito, at sa maniwala ka man o sa hinde, ang pag ba-blog ang paraan ko ng pag rerelax. Kaya hindi ko lubos maisip kung paano ako naging trying hard dahil ang tanging puhunan ko lang dito ay ang malawak kong imahinasyon at sentimental na pag iisip na hindi kailangan ng matinding effort. Pero sarili mong persepsyon yan, bahala ka kung anong gusto mong isipin.

Isa pang banat! Gusto kong tanggapin ng buong puso at damdamin ang sinabi mo na wala akong original style sa pag ba-blog, pero nag hihimutok ang kaluluwa ko, mga neurons at buong nervous system! Hindi nila matanggap na ginagaya ko ang style ng mga iniidolo ko pag dating sa larangan ng pag susulat. Para lang sa iyong kaalaman, Hindi ko pa man nakikilala si inday, hindi ko pa man nababasa ang mga libro ni BO at binubuo pa lang ni xG sa kanyang isipan ang chiksilog[dat]com ay ganito na ang paraan ko ng pag susulat. Ang ebidesya? ang mga sulating pangwakas at essays ko nung elementary at highschool. Kung FRUSTRATED kang malaman kung totoo ang pinagsasasabi ko, bakit di mo subukan mag imbestiga? para naman may pakinabang ang mga salitang binibitiwan mo patungkol sakin. Hindi kita hinahamon, pero pwede mo rin isipin na ganun na nga ang intensyon ko.

"Only naive people have a blog/s, and you are one of those, how poor."

Nakakatawang isipin, tinignan ko pa kung ano ang ibig sabihin ng naive, at sabi ng microsoft word-right click-synonyms: inexperience, immature, green, raw etc. Alam ko naman talaga ang kasing kahulugan ng naive, nanigurado lang ako, baka kasi may iba pang kahulugan ang salitang ito.

Ano ba ang naive sa filipino? bobo? tanga? yan ang pag kakaintindi ko, i-correct niyo ako kung mali. [Pinapahirapan pa kasi ako eh.. pwede na mang loser na lang, para COOL] Kabobohan bang matatawag ang pag lalathala ng damdamin o ng mga pangyayari sa buhay mo? Paki paliwanag nga. Pwede mong sabihin na bobo ako, dahil matatanggap ko yun, with arms wide open! pero ang lahatin ang mga taong may blog? HASTY GENERALIZATION or ILLICIT GENERALIZATION [this fallacy is committed when a conclusion is made based on a limited or insufficient number of evidence--- Basic logic].

"Rocel, a blogger, is naive. Ergo, all blogger are naive."

Paganahin mo naman ang utak mo, bakit di mo isipin mabuti yung sinabi mo?? at isipin pa ulit.. at ulit...

matanong nga kita...

Sino ba ang matalino? ang magaling mag memorize? o ang magaling mag analyze?

Bobo ba si inday na may blog na nakaka epistaxis??

Kapag ba tumawa ka sa korning joke, korni ka rin?

at higit sa lahat.. ang tanong na nangangailangan ng kasagutan mo: Ang mga nag babasa ba ng blog--na ginagawa ng mga bobong blogger--ay bobo rin?? Hindi kaya pinapasaringan mo ang sarili mo sa mga katagang pinakawalan ng balahura mong bibig? TUGS!..AH! sapul!
Hindi natin masasabi, malay mo, malay ko, malay natin..

Gaano mo kaya katagal pinaghandaan ang mga salitang ginamit mo para makapanira ng damdamin ng isang nilalang na tulad ko na wala namang hinangad kundi ang maisakatuparan ang pansariling kahilingan?? ano kaya ang mabuting kapalit nito para sayo?? curious lang ako kung sino ka, at bakit mo ginagawa 'to. Dahil kaya sa hindi mo kaya mag kwento ng mga nangyayari sa buhay mo tulad ng ginagawa ko/namin? *ang yabang ko naman*

Masaya ako dahil alam ko at alam rin ng iba na binabasa mo ang blog ko, kahit sinasabi mo na hindi ka nag eenjoy. Masaya ako dahil ang blog ko ang napili mong pag aksayahan ng oras, at hindi lang yun, hinusgahan mo pa. Ilang minuto rin siguro ang ginugol mo para mag comment. ABA! marami ka ng magagawa sa ilang minuto na yun. Pero malungkot ako para sayo dahil nabigo ka na wasakin ako. Sorry naman. Pero ganunpaman, alam kong babalik at babalik ka pa rin dito. At sa iyong pag babalik. mababasa mo 'to. OO, ikaw nga :D

Much has been said. God bless Ü

No comments: