oo, tama ang nabasa mo.
mayroon akong misyon, hindi lang para sa isang importanteng nilalang sa aking buhay, kundi para din sa iba pang nilalang--bata,matanda,lalake,babae o bakla---na nalululong at umiikot ang buhay sa paghithit ng sigarilyo, o kahit sa mga nag sisimula pa lang makulong sa mundo ng usok at nicotine.
Kasalukuyan kong binubuo ang konsepto ng gagawin kong "magazine" tungkol sa mga posible at epektibong natural na paraan upang huminto at maagapan ang pag kakalulong sa tinatawag nilang paghithit ng polusyon sa loob ng katawan.
Kumakalap ako ngayon ng isang daang mabisa, praktikal at natural na paraan para huminto sa paninigarilyo. May mga naipon na 'kong paraan pero kulang pa sya, kaya hinihingi ko ang inyong mga tulong at opinyon.
Kung alam niyong isang mabisa, praktikal at natural na paraan ang inyong mga nasasaisip, wag ng mag alinlangan pa na ibahagi yan. Just comment your suggestions, makakatulong ito ng malaki, hindi lang sa mahal mo sa buhay o sa sarili mo, kundi pati sa ibang tao at sa buong mundo! maraming salamat. SPREAD THE WORD! :D
No comments:
Post a Comment