Saturday, December 20, 2008

malaking puno, ngunit walang lilim

Sa lugar kung saan talamak ang tong-its at sakla ay may nag kukubling isang magandang dyosa ng jangshap, isang dyosang basurera na may garapata, si selltech.

Lingid sa kaalaman ng mga nakararami, musmos pa lamang si tech ay may taglay na itong kakaibang kapangyarihan tulad ng pag gawa sa mga basura bilang isang mapapakinabangan bagay. May abilidad din syang mag paikot ng libro, magasin, unan at kung ano ano pa sa kanyang mga daliri. May kakayahan din syang mag pasaya ng piling tao sa pamamagitan ng mga gasgas niyang joke.

Isang nakalalasong kemikal kung ituring niya ang ketchup, isang mabangis na serpyente naman ang turing niya sa aso at pusa at ang tingin ng buong pamilya niya sa ipis ay mga Hapon na handang sakupin ang pamamahay nila kahit anong oras kaya naman ganoon na lamang ang takot nila sa maliit na nilalang na ito.

Lumaki si tech na may dalawang mapupungay na mata na animo'y nakatira ng shabu, dalawang ayos na ayos at maninipis na kilay na animo'y inahit pero ang katotohanan, ito ay natural..and the rest is history.

Lumipas ang panahon at nadiskubre ng ating bida na isang dyosang basurera na bobo sya sa math at sinusuka ng puso, damdamin at kaluluwa nya ang science. Pinanganak syang bibo, pero pinili niya maging bobo. Wala lang, gusto lang niya, para daw cool. May nakalimutan ang inyong lingkod, tanga din sya sa english. Wag niyo na itanong kung san sya matalino, baka mamangha lang kayo.

Plastik, maarte, backpayter, itim ang budhi, bitch, at chismosa, yan ang kasalungat ng totoong katauhan ni Tech pero ang huli ay isa lamang joke. Oo, chismosa sya. "Kapag kyuryus ka sa mga bagay bagay na nangyayari sa paligid mo at palatanong ka tungkol sa mga naririnig mo, hindi naman ibig sabihin ay isa ka ng chismosa, para sakin, sumisimbolo ito ng pagiging henyo mo.." pag tatanggol nya sa sarili.

Tahimik lang ang Dyosang basurera pero nasa loob ang kulo, kaya kapag nanahimik sya, wag ka ng magugulat kung bigla ka na lamang niya ihampas sa semento hanggang sa makita mo na lang ang sarili mong duguan at basag ang ulo.

Tumangging mag bigay ng istorya ang dyosa tungkol sa kanyang lablayp.

Kung ano ang mga bagay na mag bibigay ngiti kay tech? ito'y nasa inyong mga daliri, bawat pindot niyo sa inyong keyboard upang mag bigay ng komento sa kanyang blog ay isang maningning na ngiti na ang kapalit.
Wag kayong umasa na sa bawat blog na nababasa niyo ay mapapangiti kayo, dahil hindi ito ang intensyon niya sa bawat salitang binibigkas niya sa pamamagitan ng pagpipindot sa keyboard, ginagawa niya ito para mag isip kayo.

Pangarap din niya sumabit sa jeep. Walang biro.


No comments: