"I am a semi superficial and a semi deep obstruction" ----nilagang mani
Wag mo na balakin pa na buksan kung alam mong hindi mo kayang makita ang sarili mo na kumakaen ng tae. Parang ganun.
Sabado, ika-29 ng Nobyembre, isang tulog bago ang kaarawan ni Bonifacio at dalawang tulog bago sumapit ang buwan ng pasko.
Malamig ang simoy ng hangin at masaya ang bawat damdamin. Pero si komiko, mainit. bwahahaha!
Nasa pila kami ng sakayan ng ep eks, pauwi, malamang. Sa harapan namin, mga taong nakapila, hindi ko kilala. Sa likod yung mga lalaking kapag nakikita mo ay mapapakanta ka na lang ng "ang buhay ng gangster". I can't help it, napapakanta talaga ko.
At dyan nag tatapos ang introduction.
Habang nasa pila at nag hihintay ng masasakyan, may dumaan sa harapan namin na nag titinda ng mani, yung kailangan mo pa kagatin para mabuksan, yung nilaga. Parang nag iimbita ang amoy. Parang may nakakahalinang boses na nag popromote ng mani ni manong. Parang komersyal sa radyo na may boses ng hot na babae na nag sasabing "ang mani ko ang kukumpleto sa araw mo..."
At dahil ako'y isang tao lamang at natutukso rin, nang lambot ako sa mga salitang binibitawan ng boses sa aking isipan., at walang kung ano pa man, tinanong ko si manong kung magkano ang mani niya, sabi niya 10 daw. Bumili ako ng bente na sa tingin ko naman ay mapag sasaluhan na naming tatlo nila jezel at komiko para sa isang oras na biyahe pauwi.
Dumating na ang pag kakataon namin na makasakay. Van ang nasakyan namin. Gusto ko lang sabihin.
Sa kalagitnaan ng mapayapa at mabilis na biyahe at sa rurok ng kasiyahan ng aming kwentuhan, nasamid ako, parang may bumara ng piraso ng mani sa lungs ko. Kung sa left o right lung napunta ang mani na yun, hindi ko alam. Basta ang alam ko, kakulay ko na si incredible hulk----O! HINDI KULAY GREEN! hindi pa kasi tapos, incredible hulk na nalublob sa tubig na may papel de hapon na kulay bayolet. Ayun ang kulay ko ng mga sandaling nagtatawanan sila jezel at komiko.
Tumagal din siguro ng kalahating minuto ang kalbaryo ko, balak ko na i-CPR yung sarili ko kaso naisip ko kung pano ko ichecheck kung anong klaseng obstruction meron ako? e hindi na nga ako makapag isip. Parang sa utak ko yata bumara yung mani.
May apat na pasahero akong katapat na pinag pipilian ko kung sino sa kanila ang susukahan ko. May dalawang estudyante, mga mukha silang na trauma sa ubo ko na puro exhale. Yung isang manong walang paks dahil nakatawa sya habang nag tetext, mistulang 3G ang cell phone niya, feeling niya siguro nakikita sya ng ka text niya. Yung isang babae, malayo na ang nararating, ewan ko kung lagpas na sya sa dapat niyang babaan kasi ang sarap ng pag kakatulog niya.
Unang ubo, walang lumabas, hindi pa rin maka inhale.
ikalawang ubo, wala pa rin lumabas at hindi pa rin maka inhale.
ikatlong ubo at mga sumunod pang series.. hindi pa rin matagumpay.
Ang pinakahuli, walang lumabas pero parang naagos na sya ng hangin, ok lang naman na hindi lumabas yung mani eh.. ang mahalaga, nakainhale na ko.
Fast forward, nakauwi na kami at nakatulog na.
Pagkagising ko, tulad ng dati, ginawa ko ang mga ritwal na mag lilinis at bubura sa mga bakas ng kahapon at ng kagabi. In short, nag hilamos ako at nag toothbrush.
Habang nasa tapat ng kompyuter at abala sa gawain sa internet, naubo ako, isang malakas na EHEM! na parang nag lilinis ng lalamunan, medyo masakit kasi malutong. Naramdaman ko na may plema, ay! hindi ko pala naramdaman, nalasahan ko pala na may plema. At hindi lang sya isang malagkit at crystal clear na plema, meron syang kasamang tropa, medyo matigas pero nangunguya naman, syempre tinignan ko muna bago ko lunukin. Kinuha ko sa bibig ko ang obstruction na yun gamit ang aking hintuturo at hinlalaki, tapos niluwa ko yung plema. Pag tingin ko sa nakuha ko, TADAN!!! isang maliit na butil na mani na naka ngiti sa kin at parang sinasabi niya na "Hello! sabi ko sayo i shall return eh!" pano ko na confirm na isa syang mani? hehe.. kinaen ko ulit! hahahaha!
sabe ni komiko, isa daw yun tae na lumabas sa bibig ko ang kadiri niya no? hahahaha!
pero kung ano man siya, isa man syang ebs na naligaway ng landas at naiba ng exit way o isang suka as in vomit na dead kid dahil nag iisang lumabas, masaya pa rin ako dahil hindi siya nanatili sa aking sistema. Kung hindi niya nakayanan ang tumira dun habang panahon?? ewan ko..
No comments:
Post a Comment