naging busy ako sa
Toxic sa ward ko, mainit, madaming pasyente, nakaka hagard, at nakaka tagaktak ng pawis lalo na kung may clinical instructor, mabuti na lamang at may isang nangibabaw na kaputian sa lahat ng napakaraming nakaputi sa lugar na yun na nag bigay inspirasyon sakin na pumasok sa nakakamitig ng kalamnan sa paa na 8-hour duty. Hindi naman ako mahilig sa macho gwapito.. uubra pa sakin ang bolero.. pero talagang mapagbiro si kupido at inimulat ang mga mata ko sa kakaibang puti ng tshirt nito. Naiiba sya sa dinami daming nakaputi sa paligid ko, hindi sya nurse at lalong hindi sya doctor dahil isa syang matangkad at payat na lalake na bantay ng isa sa mga pasyente. Alam niyo naman na weakness ko ang mga katulad niya kaya wala akong magawa kundi ang mapatingin ng madalas kay kuya. Sa tuwing dadaan ako sa lugar na kinalalagyan niya, hindi ko maiwasan na hindi mapasulyap at sa bawat sulyap na yun ay nahuhuli niya ako, ibig sabihin tumitingin din sya sa kin. ahihihi.
Mukhang mahiyain ang lalakeng bantay, isa nanaman yun sa kahinaan ko, ang mga mukhang mahiyain pero hindi naman talaga. ahihihi ulit. Sa buong 3 araw na pamamalagi ko sa ward ay isang beses ko palang sya narinig mag salita. wag niyo na itanong kung pano ko narinig. medyo may talent kasi ang tenga ko pag dating sa pakikinig ng usapan ng iba. medyo lang naman. At ang panget ng boses niya. haha! ok lang.. wala naman sa boses yun. wahaha! Kung sya siguro ang magiging bantay ko, malamang mas pipiliin ko pa mahiga sa kama ng mga may sakit kahit may swerong nakatusok sa kamay ko at ma-confine kahit mainit at mahirap matulog basta kasama sya. bwahahahaha.
homaygas, hindi ito pag ibig at hindi ito maaaring maging pag ibig..hindi ko rin sya crush. gusto ko lang linawin na si kuyang bantay ay nagsilbi lamang inspirasyon sa akin para sipagin pumasok, yun lang yun, wag na nating bigyan ng malisya at baka madala ako sa tukso. Nang matapos ang pangatlong duty ko sa ward na yun ay tinapos ko na rin ang something sa amin na pinagbibigkis ng kanyang white tshirt.echos.pero Nag babye ako sa kanya at biglang tinugtog ang "ikaw na nga" ni papi. hahahaha!
No comments:
Post a Comment