Friday, July 3, 2009

REBLOGGED: abg bagong vcut na hairstyle





*Eto ang buhok ko bago ko ipa-VCUT

...






*At eto na sya ngayon.. Ang finish product. Ang bagong "VCUT"

Wait. Let me explain.

Kung iniisip niyo na hindi alam ng badingerzi na nag gupit sakin ang letrang V ay nag kakamali kayo. Hayaan niyong ikwento ko sa inyo ang istoryang milyong beses ko nang naisalaysay.

Ang pag papatabas ng buhok para palagyan ng V na shape ay ang aking una at natatanging pakay sa pag punta sa parlor. Pero dahil ang pag kakaintindi yata ng badingerzi--na wag na nating pangalanan dahil di ko kilala at para na rin sa ikagaganda ng blog ko--sa sinabi kong KONTI LANG PO ANG IBABAWAS ay KONTI LANG PO ANG ITITIRA, ay ginawa niyang layered ang pantay kong buhok. at hindi pa sya nakuntento, shinagi pa niya. Pilit kong isinisiksik sa aking isipan na bagay sakin ang bago kong hairstyle, pampalubag loob ba.. pero wala pa mang isang oras, Hindi ko na talaga ma-take pa ang ganung hairstyle kaya naman imbis na bumalik sa parlor ng walangyang badingerzi na yun ay pumunta na lang ako sa isa pang parlor na walking distance lang ang layo, at pina ayos ko ang "vcut-turned-to-shagi" hairstyle ko dun. At eto na ang naging resulta.. ang tatawagin kong "medyo-katrina halili-inspired-haircut".

Eto ang mga pagkakataong nasusubukan ang aking pasensya. Buti na lang at mabilis tumubo ang buhok ko. At buti na lang sabi ng nag repair ay kamukha ko daw si carmen sue. Haha!

Namimiss ko na ang BAD HAIR DAYS ko :(

No comments: