At makalipas ang isang taon, natapos ko rin sya. 1 year in the making sabe ko nga. Dumaan man ako sa butas ng karayom nang mareformat ang laptop ko dahil sa walang pakundangang virus na pumasok, heto at napagtagumpayan at napagtiyagaan ko pa rin itong natapos.
Sabi ko, magazine ang gagawin ko, pero dahil mas mura ang ganitong style ay mas pinili ko na lang to.
Isang achievement bago magtapos ang taong 2009. Ang saya. Hindi ito magiging posible na matapos kung wala ang tulong ng mga minamahal kong kaibigan at ibang tao. Mula kay Jezelle na syang pangunahing nag isip ng mga ilang paraan at sa napakaganda at talented na si Patty na siyang naging pangunahing artista sa Video na ito hanggang sa tindahan na binilihan ko ng sigarilyo, maraming salamat po!
Nawa'y ang video na ito ay makatulong ng malaki hindi lang sa mga yosi boys and girls kundi pati na rin sa mga taong nakakalanghap ng usok na binubuga ng mga sunog baga. Hangad kong maabot ng video na ito ang kasulo-sulukan ng Pilipinas o sana kahit maging ang buong mundo. Sana ay makapag hatid ako ng kahit kakaunting tulong sa mga taong nais na huminto ngunit hindi alam kung paano.
Pinaaabot ko rin ang aking taos pusong pasasalamat sa aking naging inspirasyon para gumawa ng isang bagay na tulad nito. Pero hindi naman niya to mababasa kaya non-sense ang pag acknowledge ko sakanya.
Ganap kong ilalabas ang DVD copy ng aking 100 ways to quit smoking sa December 30, 2009 (Rizal Day) kung saan maaari kayong magpagawa ng kopya sa napakamurang halaga na hindi ko sasabihin. Ang 5 % ng royalty na malilikom ko ay makakarating kay Ms. Jezelle Ann Ladion, tulad ng aming pinag usapan. Para sa iba pang detalye, kontakin niyo ako sa kahit anong posibleng paraan. SALAMAT! Mabuhay ang mother Earth!
(may wrong grammar dyan sa trailer, pasensya)
No comments:
Post a Comment