Friday, December 25, 2009

I had a ____ christmas

I had a great christmas!! makikita naman sa ngiti ko sa aking larawan.

Kung ng mga nakaraang araw ay malungkot ako bago sumapit ang pasko dahil pers taym ko na hindi makakasama si madur, ngayon narealize ko na marami pa palang dapat na ikasaya sa espesyal na araw na ito. Una, dapat ay maging thankful tayo dahil sa dinami dami ng trahedyang nangyari ay mayroon pa ring isang araw na inilaan para magcelebrate ang lahat, isang araw na nag sisimbulo ng pag asa. (naks naman) pangalawa, masaya ako dahil napag isip isip ko na masaya rin si madur sa US dahil after so many years, makakasama na niya ulit ngayong christmas ang aking sisterloo, matagal na rin naman kami nagkasama ng pasko kaya siguro dapat wag akong maging selfish. Pangatlo, masaya ako sapagkat pinasaya ako ng isang nilalang sa YM! yun na yun.

Sana naging masaya at mapayapa rin ang inyong mga pasko. Maraming reason para mag celebrate, wala yan sa dami ng handa o ng kinaen mo, sa dami ng perang naipamigay mo o sa kahit ano pang magarang materyal na bagay na iyong natanggap. Sabe nga ni Santa Claus, HOHOHO! wala lang. Maligayang Pasko!

No comments: