Friday, December 25, 2009

No Air

Nagising na lamang ako sa isang malamig na umaga na wala na siyang hangin.

Badtrip. Ilang araw pa siguro na ipagpatuloy ko ang pag bobomba sa queen size na air bed ko ay magiging babaeng Jacob Black na ko. Hindi ko na kailangan mag punta sa gym dahil gabi gabi ay pakiramdam ko nakapag work out na ko.

Ang sakit sa katawan, specifically sa biceps at triceps, ang mag bomba ng mag bomba everytime bago humiga at ang masakit pa sa damdamin, pag kagising mo kinabukasan ay wala nanaman siyang hangin. At masakit pa muli sa ulo ang mag hanap ng reason kung bakit sya ganun..wala namang butas.


Iisipin ko pa lang na ganun nanaman ang gagawin ko bukas, sumasakit na kaagad ang katawan ko. Kung pwede lang sana siyang lagyan ng "Do Not Resucitate" tag ay matagal ko ng ginawa.

Sino ang may ginintuang puso na mag dodonate ng air bed sa kwarto ko? yung queen size :D

No comments: