Wednesday, May 19, 2010

Obstakols

Natapos ko ng matiwasay ang case na nabunot ko, sa paraan na hindi ko alam, para sa aming grand ret dem*, umurong yung ebs ko. umurong sa kaba.

Natuklasan ko na lumalabas pala ang tunay na talino ko kapag ako ay gipit na sa stocked knowledge at kapit na kapit na sa patalim. Napaka innate talaga ng pagiging henyo ko, lumalabas lang sa mga piling sitwasyon, napaka secret.

hindi ko man nabunot yung papel na malambot, kulay brown, mamasa masa na may star** ok pa rin ang score ko. Isa nanamang matagumpay na laban gamit ang sandata kong hitik na hitik sa laman.

Oral Revalida*** ikaw na ang susunod! are you ready for me?

*short for grand return demonstration, lahat ng skills (e.g catheterization, NGT insertion etc.) na tinuro mula 2nd year first sem-3rd year 1st sem ay pag aaralan muli para idemo sa mga instructor. 1, 1.5, 2, 2.5, 3 at 4 lang ang scores, pag naka 4 ka, meron kang award. lahat ng 3rd year students sa school namen ay dumadaan dito bago mag 4th year.


**eto ang papel na nag lalaman ng natatanging skills na alam ko, at pinakamadali, ang chest tube thoracotomy.


***parang oral exam. pag aaralan mo ang 30 or more diseases tapos bubunot ka ng isang case, ididiscuss mo ang pathophysiology, medication at care plan mo. hindi ka makakatapak ng 2nd sem ng fourth year hanggang di mo yan naipapasa

No comments: