Tuesday, July 13, 2010

Bagoong

Namiss ko 'to. Yung ganito, yung dating tayo.

Noon nag boblog ako pag may mga bagong pangyayari sa buhay ko, pero ngayon, natabunan na ang ibang alaala ng mga iba pa muling alaala.. naluma na lahat ng bago.

Nalulungkot ako kasi hindi ko man lang nakwento na break na yung lalaking sabik sa swirly bitz at yung girlfriend niya na--(nevermind), hindi ko man lang na kwento na nasira yung dalawa kong telepono at gawa na rin sila ngayon pareho, pati bago kong sapatos baka nag tatampo dahil di ko sya kinuwento.. tsaka yung tungkol sa personal katulong ng tatay ko. Lalo na yung espesyal na moment ng buhay ko, ang maka sabit sa jeep, nakalimutan ko i share.

Same season last year nag blog din ako, tungkol sa dalawang taong nag mamahalan, tungkol sa babae na napagod sa pag bibigay ng extra effort para sa lalake. Marami mang nag bago after 365.26 days, nananatili pa rin na ganyan ang scenario, may isang babae na napapagod kakaexert ng effort para manatiling matatag ang pinundar na negosyong pagibig. . pero hindi nag work, ayun, napagod. Bumitaw ba sya? walang may alam.


No comments: