Thursday, October 14, 2010

Happy Hour

now playing: Smile by Uncle Kracker

Kailan mo huling nahuli ang sarili mo na nakangiti habang nag lalakad?

Hindi na bago sa akin ang mahuli ang sarili ko na nakangiti habang naka tingin sa malayo. minsan habang nag aababng ng fx, minsan habang nag lalakad papuntang school. Hindi mo ako masisisi, sabi ng sarili ko, madalas kasi ako hingan ng picture nitong mga nakaraang araw bilang requirement. Nandyan ang passport pic, 1x1, 2x2, visa at lahat lahat na, kaya nag pa practice ako minsan, di naman sadya na napapangiti ako sa daan. Minsan nga, habang nag wawalis ako sa loob ng bahay bigla kong naiisipan mag practice ng ngiti para sa nalalapit na grad pic namen, sakto nahuli ako ng tatay ko, tinanong niya kung bakit tuwang tuwa daw ako habang nag lilinis.

Sa totoo lang, nakakamiss maging masaya. Nakakamiss magkaron ng dahilan sa bawat simpleng pag ngiti habang nag lalakad ka man o kahit habang nag iinternet lang. Nakakamiss yung magkaron ng dahilan na hindi lang dahil nag papractice ka para sa picture, kundi minsan may naalala ka o kaya naeexcite, o kaya kinikilig.

emo nanaman? not anymore :p


No comments: