Tuesday, November 2, 2010

When our sun sets

"the sun is setting in the sky; Teletubbies say good bye.." -teletubbies closing sequence

Kung ang teletubbies nga alam kung kailan mag papaalam, tayo pa kaya?

Naaalala ko pa ang unang blog ko na tungkol sayo. tungkol sa kung pano mo kinulayan ang black and white kong buhay noon. Pero katulad ng iba't ibang klase ng pang kulay, water color, oil pastel o simpleng colored pencil lang, lahat yan pare parehong nauubos, napupudpod, nababali, minsan nawawala. at pag ang kulay nag sisimula ng mawala, kakapit ka na lamang sa mga dating larawan. Babalikan mo na lang yung mga alaala na punong puno ng iba ibang kulay.

Nung nag pasya ako maglakbay sa kalawakan, dun lang OPISYAl na natapos ang lahat na para sakin ay matagal ng wakas. Alam ko walang panghihinayang, dahil wala ka naman pinag hirapan.

Hindi man kasing ganda ng pag lubog ng araw sa manila bay ang ending natin, malay mo sa susunod na pag ikot ng mundo dun mo mahanap ang magandang bukang liwayway na hinihintay mo ;)

No comments: