Wednesday, December 1, 2010

if I were a boy

Kung lalake lang ako kahit isang araw lang..

Hindi ako mag pipicture ng sarili ko na pa topview.

Hindi ako mag pipicture ng sarili ko mula sa salamin.

Hindi ako mag lalagay ng wax sa buhok at hindi ako mag iiwan ng 4 na piraso ng hibla sa may noo para kunwari bangs.

Hindi ako mag susuot ng skinny jeans, dahil maiintindihan ko kung bakit umiiyak ang mga lalakeng emo.

Mag papaupo ako sa MRT/LRT ng mga kolehiyalang babae na maraming dala dahil umuwi galing sa dorm.

Mag papaupo ako ng matatanda at mga buntis sa LRT/MRT ulit dahil hindi ako mag tutulug-tulugan.

Kung lalake lang ako, lagi ako may tae sa brief dahil nasa manipesto yun!

Madadagdagan ang mga babaeng nag lalaslas ng pulso dahil sa lalake.

Madadagdagan ang mga mag papalit ng relationship status sa facebook mula sa in a relationship to SMP.

Madadagdagan ang kita ng mga nag da-direct selling dahil mas lalong mag papaganda ang mga babae.

Mababawasan ang tiboli sa mundo at kasalungat nito ang paghampas ng rating ng mga badingerzi sa ekonomiya.

Kung lalake lang ako, malamang sa malaman, wala ng career si John Lloyd Cruz at gagawa si Justin Bieber ng kanta na pinapahiwatig ang kabadingan niya.

But I'm just a girl..

No comments: