Kung meron man nag iisang blogger na karapat dapat umakyat sa entablado sa December 12 sa Carlos P. Romulo Auditorium, RCBC Plaza, Makati City, yun ay walang iba kundi 1. ang chiksilog dat kom ang tamabayan ko simula ng mamulat ako sa mundo ng blogosperyo.
2. hindi ako (hindi pa) nag iiwan ng kahit anong bakas na mag papatunay na naglalagi ako sa datkom niya, pero nag iiwan ang datkom niya ng bakas sa isip ko.
3. hindi totoo na hindi pa ako nakakapagiwan ng bakas sa chiksilog datkom. Binati ako ni xG sa pamamagitan ng vLog o video blog niya (imbento ko lang yung term) noong nakaraang 20th birthday ko, at nag iwan ako ng bakas ng pasasalamat dun.
4. ika apat na rason kung bakit ikaw, xienahgirl ng chiksilog dat kom, ang nararapat sa nasabing award, ay dahil kung lalake lang ako, malamang sa malaman, niligawan na kita. :">
5. ikaw ulit ang dapat manalo sapagkat nais malaman ng buong sangkablogosperyuhan kung bakit hanggang ngayon, hindi mo pa nahahanap ang lalaking mag dadagdagan sa itlog mo.
6. at isa pa, ang chiksilog dat kom ang dapat hirangin sa botohan na ito dahil umaasa ako na kapag nanalo si xG ay isheshare niya ang napanalunan niya, kung ano man yun, at sa kung sa paano mang dahilan.
and the rest of the reasons are treasures that you need to look for. Panigurado, mahahanap mo yun kapag sinimulan mong halukayin ang lihim ng babaeng may itlog. nilinlang, niloko, alam ko na ang sikreto mo.
2 comments:
ikaw ang dahilan para magkaron ako ulit ng kumpyansa sa pba!
ikaw ang nagbreak ng tie
:D
pinagaan mo ang loob ko!
salamat sa tulong!
.xG
Alam ko naman mananalo ka. Hindi ako mag aaksaya namag iwan ng finger prints sa keyboard ng computer ng eskwelahan namin kung hindi ka karapat dapat manalo. Congrats xG :D
Post a Comment