Friday, December 24, 2010

?

Pasko nanaman! Sana kasing bilis ng pag sapit ng pasko ang internet namin sa bahay at ang pag haba ng buhok ko.

Pagkatapos ng pasko, bagong taon nanaman, wala pa rin nag babago sa buhay ko bukod sa napapadalas ang pag labas ko sa entrance. Oo, tama ang nabasa mo. Nitong mga nakaraang araw madalas akong umexit sa mga entrance ng mall, ng school at sa kung saan saan pang establishimyentong may magkaibang pinto ang mga pumapasok at mga lumalabas na tao. Hindi ko alam kung kailangan ko na bang baliktarin ang damit ko dahil sa pag aakalang baka naliligaw ako. Nung unang beses na nangyari 'to sakin ay talaga namang nakakahiya, dahil bukod sa pinapagalitan ako ng mga gwardya, nahihirapan din akong buksan ang pinto palabas dahil paloob nga dapat ito. Pero kinalaunan ay nasanay din ako, hindi sa pag labas sa tamang labasan pero sa pagkapahiya.

Balik sa usapang pasko at bagong taon, kasalukuyan ako ngayong nag hihintay ng pag kakaroon ng tubig. Simula kase ng mag subscribe kame sa MAYNILAD (space) ON and send it to , madalas nawawalan ng supply. Kaya habang nag hihintay ako, nag isip na rin ako ng pang year ender blog entry (eto talaga ang topic ng entry na 'to eh). Uso nanaman kase yung mga ganung kalokohan, at dahil kilala ko naman myself, dapat may ganun din ako. Hindi ako sigurado kung first time sa buong blogging career ko ang pag kakaroon ng year ender blog entry, pero sigurado ako, first time 'to, oo ang labo ko nga kaya dapat special!

Ang mga susunod na salita inyong mababasa ay ang mga topic na pinag pipilian ko para sa aking year-ender blog entry:

1. Top 10 na pag babago sa buhay ko.
2. Top 10 na pinaka nakakatawang nangyari sa buhay ko
3. Top 10 na balak kong gawin sa 2011 [parang hindi ito ang pang year-ender(?)]

puro tungkol sa buhay ko. malamang blog ko 'to :D


No comments: