Thursday, December 30, 2010

Kalapating mababa ang lipad

Kung ang mga bata sa preschool ay may alagang asong mataba, buntot ay mahaba at makinis ang mukha, last year bumili ng kalapati yung kapatid ko.. yung isa kulay white tapos yung isa kulay abo.

Masaya sila naninirahan sa ginawang love nest ng kuya ko, nag lambingan, nabuntis, nag kaanak, pinamigay ng kuya ko ang anak. Minsan tinopak yung nakatatanda kong kapatid kaya sinama niya sa road trip sa Bulacan yung kalapating kulay abo. Sinama niya yun dun para hindi na makabalik pero mga isang oras bago sya makauwi sa bahay, nandun na ulit yung kalapati, naunahan pa sya. Kung ikukumpara sa anak ng kapitbahay namin, bibo itong alaga naming ibon, proper diet at exercise na lang ang kulang.

Isang araw sa christmas vacation, habang natatakam ang lahat sa nilluluto ng nanay nila, dinagdagan ni ate Lea ang ingay sa Montalban ng sabihin niyang patay na daw yung kalapati namin na kulay abo.

Mabilis ang bawat pangyayari, ang sumunod na eksenang nasubaybayan ko ay nasa kawali na na may toyo at dahon ng laurel yung kalapating kulay abo noon.

Ayon sa autopsy report na ginawa ng tatay ko, walang anumang galos ang naitala mula sa kalapating yun, maaari daw na nasa internal organs ang pinsala buhat ng pagkabagok o something like that. Ayon naman sa testamento ng saksi na si ate Lea, na kasalukuyang nagbabantay sa tindahan niya (kung saan naganap ang karumaldumal na krimen), wala naman daw sya napansin ng kung ano mang klase ng sasakyang pang himpapawid ang maaaring kumitil sa buhay ng inosenteng ibon.

Bilang si detective conan, narealize ko na may nag eexist talaga na mga literal na kalapating mababa ang lipad. Hindi Jet, spaceship, Airplane, helicopter, hot air balloon, o ang mobile ng pulis pangkalawakan na si Zaido ang nakasagasa sa kalapating mababa ang lipad, posible na nahagip sya ng mga nagdaraang pedicab, bike ng mag bibinatog o yung nag titinda ng cornetto o umaandar na julie's bake shop.


No comments: