Una sa lahat, gusto ko muna mag mura. -----------------!!!!! tapos ko na dapat yung blog ko kaso biglang EWAN! basta hindi na save! P***!! kahit as draft hindi rin na save! P***** i** talaga!!!!!! ang haba pa naman nun. pero ok lang. sana mas maganda kinalabasan nito.
Buntong hininga. kalmado na ko.
"kaya ko mag drop pero hindi ko kaya makitang mabigo ang mga magulang ko.."
Tapos na ang dalawang beses na pag susuot ko ng 750-pesos na labgown na yung burda ng pangalan ko at ng school ko lang yata ang binayaran dun. May dalawang pasyente ako sa mag kaibang araw na parehong doktor.
Si "dok-patient" nung dec. 4, mabait, marami syang mabubulaklak na salitang sinabi sakin tulad ng "i was very happy with your service" at "you are very courteous". Napakagandang compliment para sa isang pers taymer na tulad ko at take note, doktor pa nag sabi sakin..
*at biglang humangin ng malakas sa loob ng saradong kwarto*
Masaya ang kinalabasang ekspiryens ng pers clinical exposure ko.
Si dok-patient nung december 11, mabait din naman kung ihahalintulad mo sa pinaka masungit na doctor. Hindi yata sya masaya sa serbisyo ko o baka may dalaw sya ng mga araw na yun na naging sanhi ng pag iinit ng ulo niya. Iritable sya nang kunan ko sya ng unang vital signs, binabalot ko na sa braso nya yung cuff nang biglang pumasok si ma'am coballes. Para akong naka jackpot. Nang masilayan ko ang mukha ni ma'am Coballes, waring may nag sabi sakin na nanalo ako ng labing pitong sako ng butong pakwan na kailangan kong ubusin sa loob ng isang oras dahil kung hindi ay papagulungan ako ng pison at gagawing humps sa edsa.
Tanging ang presensya ni Ma'am Coballes ang nasa isipan ko ng mga sandaling iyon at ang tangi ko lang naririnig ay ang papalakas ng papalakas at pabilis na pabilis na dagundong ng Lubb Dubb ng sarili kong puso.
Parang gusto kong mag evaporate ng bitiwan niya ang mga kataga na kailangan ko daw ulitin ang pag kuha ng bp ni dok-patient apter 5 minutes. Awang awa ako sa sarili ko at kasabay nito ay ang pagkaasar na rin. Nakakahiya man aminin pero sasabihin ko pa rin na nag kamali ako ng kuha ng BP. Nakakapang liit kasi marunong naman talaga ko, pero nang mga panahong yun, bigla na lang akong nabingi sa katotohanan. Nakakahiya talaga. Iyon na ang pinaka-bobong moment ng buhay ko pangalawa habang nag eexam ko ng prelim sa physics kung saan lumalabas na mas bobo ako.
Pagkatapos ng limang minuto, kinuha ko ulit ang bp ni dok, at sa pag kakataong ito. Tama na sya. Pero ang katangahang ginawa ko, hindi na mababago.
At yan ang naging isa pang mabigat na dahilan kung bakit ayoko na ipagpatuloy ang propesyong ito.
Lahat ng bagay na hindi ko gusto ay ang syang mga bagay na nakapalibot sakin sa mga panahong ito.
Ayoko mag kasakit kasi ayoko ma confine sa ospital at ayoko ma confine sa kadahilanang magastos na, boring pa at ayoko talaga sa ospital. Pakiramdam ko lalo akong mag kakasakit pag nandun ako. Ramdam ko ang lungkot ng mga may sakit na nag sama-sama sa bawat sulok ng pasilyong nilalakaran ko. Sa bawat pag katok mo sa pinto ng kwarto ng pasyente, mararamdaman mo na kailangan nila ng pag aaruga.
Hindi ako marunong mag alaga sa sarili ko, yung simpleng paalala nga lang sakin ng nanay ko na mag payong kapag umaambon nang hindi ako sipunin--kasi sipunin talaga ako--ay hindi ko na magawa, pano pa kaya yung pag aalaga sa ibang tao na hindi lang sipon ang sakit?
Hindi ako madaling sumuko, pero hindi rin ako magaling mamilit ng pasyente na ayaw mag pa bed bath o ayaw mag pa injection. Magaling ako mang uto, oo.
Hindi ako kumakaen ng gulay, hindi ako umiinom ng gatas at minsan lang ako kumaen ng saging dahil nakakapag patigas ng tae yun at takot ako na mahirapan tumae. Kaya paano ko sasabihin sa pasyente ko na masarap ang gulay, maganda sa katawan ang gatas at ang saging kada-araw ay mapapanatiling malusog ang iyong katawan?? Paano?
Hindi ako sanay mag puyat. Kapag lumagpas ng 11.30 ng gabi at mulat pa rin ang mga mata ko, asahan mo kinabukasan na daig ko pa ang umubos ng isang case ng red horse sa loob lang ng isang oras sa sobrang sakit ng ulo ko na may kasama pang katamaran. Pero ang pag pupuyat ay isa lang sa mga milyon-milyong requirements para makatapos ka ng narsing, kaya paano ko gagawin yun?
sa institusyon na pinapasukan ko, magiging excuse lang ang pag liban mo sa klase kapag ikaw na mismo ang mamamatay at kailangan mo pa patunayan na mayde-deads ka na, maniniwala lang sila kapag nag pakita ka sa kanila na lumung lumo at hindi na makalakad.
may nabasa akong isang comment sa isang blog na nabasa ko---napaisip din ako tungkol dito-- ayaw ko dumating yung araw na mamamatay ang mahal ko sa buhay na wala akong mararamdaman dahil sanay na akong may pumapanaw.
kahit kailan, mahirap ang pag pipilit sa isang tao na gawin ang bagay na hindi niya gusto. At kahit kailan, hindi ito makakatulong. Mag tatagumpay lang ang isang nilalang kapag gusto na niya ang ginagawa niya.
2 comments:
magaling. sinulat mo ang mga salitang matagal ko ng gustong sabihin. kaya yan natin to tek. hehe!
UY! thanks puto. hehe :D
Post a Comment